Archive for November, 2008

LIFE and LOVE LESSONS : )

***as i was browsing the net,i saw this infos and i read it,now i wanna share it with u guys..for those who doesn’t know this yet..well,you’ll surely learn from this…***

 

 

 

Lessons from BOB ONG

 

Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun ngalang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.

Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

 

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw molang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”

 

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

 

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.

Kasi may mga tao rinna di mo mahal pero mahal ka..

Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pagnatuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap nasa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka,wag mong sisihin angpuso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sakatawan mo.

Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay anghypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo,

mali ka pa rin! Bakit?

Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga

sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka

lang kung matututo kangtanggapin na hindi ang puso, utak,

atay o bituka mo ang may kasalanan sa

lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”